Monday, January 10, 2011

Larawan sa Pader

















Kung nagrereklamo ka sa ating transportasyon, paano na sila?

Sumasakay ako ng MRT halos araw-araw at normal na ang mga eksenang nagtutulakan at nagbabalyahan para lang makasakay. Siksikan sa loob, mainit at minsan kapag minalas-malas ka, my kakaibang amoy. May mga taong mainit ang ulo at aburido, may mga walang pakialam, meron din tahimik lang pero puno ng reklamo ang utak.

Ang Transportasyon ang isa sa pinakamahalagang sektor ng ating lipunan. Umuunlad ang ekonomiya ng bansa at gumagaan ang buhay ng tao kapag maayos ang transportasyon. Subalit meron mga tao na hindi na nakakaramdam ng pag-unlad at mulat sa nakagisnang buhay, mga taong hindi pa nakakasakay sa ‘bus’ o kahit na anong transportation na de-gulong, kahit ang salitang “MRT” ay wala pa sa bukabolaryo nila, naglalakad ng ilang oras para lamang makarating sa kanilang pupuntahan, tinitiis ang pagod at hindi alintana ang panganib.

Mga simpleng bagay na hindi napapansin at nakakalimutan nating ipagpasalamat. Sino nga ba ang mas may karapat magreklamo? Tayo? o ang mga taong nasa larawan?


Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw, at eto ang sa akin.


***

Photo credit to the owner. Just received this as one of the attachments to the email.

6 comments:

  1. naks naman.. emo much din hehhe.. tama ka dian.. dapar maging masaya tayo kung anu man meron tayo ngaun.... :D
    teka orig blog mo ba to?

    ReplyDelete
  2. opo master! ginawa ko yan nagyon, petiks eh :))

    ReplyDelete
  3. naks naman!...ano ang transportasyon?

    ReplyDelete
  4. ang dapat magreklamo ay ang boss mo.. magtrabaho ka na daw! =p

    ReplyDelete
  5. tama ka bro, wala tayong karapatang magreklamo, there are some people na less fortunate kesa satin, kaya we must be thankful for what we have..

    ReplyDelete